Friday, September 11, 2015

pagod



Nakakapagod
Maghintay sa isang bagay
Na wala namang kasiguraduhang  may patutunguhan

Nakakapagod
Umasa sa pagkakataon at sa tadhana
Dahil ang binibigay nila ay patuloy na pasakit at luha

Nakakapagod
Makaramdam ng wala kang magawa, kungdi tumingin sa kawalan,
Utak ay lumilipad, puso’y nagsusumamong ika’y magisnan

Ngunit mas gugustuhin kong mapagod nang paulit-ulit
Dumanas ng lungkot hirap at pasakit
Kung ito and ito lamang ang natatanging paraan

Para sa hinaharap ay makasama ka nang walang hanggan.

-M

hhmmmm, this AlDub fever is reviving the sleeping poet in me, charing! :)



photo credit to http://kojokrom.com/tired-running-poetry/

No comments: