Friday, September 11, 2015

Ilan?


Ilang araw nang paikot-ikot ka
Sa isip ko, sa aking puso at diwa.
Ilang araw nang hindi ka nakikita
Nag-aalala, nangangalu-mata.

Ilang gabi nang tulog ay di ko makamtan
Batid ko’y dadalawin lang nya ako pag ika’y akin nang nahagkan.
Ilang oras na akong nag-iisip, nangangarap
Kelan bang tunay na pagkikita nati’y magaganap?

Ngunit kahit ilang beses pang dapat pagdaanan
Ang hirap na ngayo’y aking pasan-pasan.
Kung ang kapalit nama’y ating walang hanggan
Gagawin at tatanggapin kong ulit ang lahat ng iyan.


- M

*this piece was also published through twitter under The Hopia Diaries :)

No comments: