Bakit ganun?
Kung kelan abot kamay na kita
Bigla ka na namang mawawala?
Bakit ganun?
Kung kelan nasilayan ko na sa wakas ang iyong mukha
Haharangan pa tayo ng tadhana?
Bakit ganun?
Ang buong akala ko’y mayayakap na kita
Pero hanggang panaginip pa din pala
Bakit ganun?
Sadyang mailap ang tamang panahon
Kung kelan naman ang puso ko’y bulong na nang bulong
“Bakit ganun?” sabi nya
“Dapat makapiing mo na sya”
Kaya ganun na lang ang aking lungkot
At hanggang ngayon kahit kamay mo’y hindi ko maabot.
*this piece was also published through twitter by @TheHopiaDiaries :)
-M
photo credit to : http://www.griefrecoverykit.com/2012/03/ask-why/
No comments:
Post a Comment