Day 9 - Los Angeles (July 4, 2008)
Happy Independence Day!!! nyahahahaha! It's a HAPYY DAY!!!! We're going to DISNEYLAND woohoo! (di ako excited ... hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee wahahahahaha! <<< sinapian).
seriously, super happy ako kasi makakadaupang palad ko na si mickey =). the last time na binalak kong pumunta sa disneyland when I was in HK last year, eh naunsyami... kaya ngayon, hangga't hindi nagkatotoo hindi ko iniisip (drama queen etoh hahaha! <<< nag-iinarte).
So eto na sya ... we went to a few stores first since S'Arnel wanted to work a bit and check out a few of our equipment in the stores before we go to Disney ... work effect muna hahaha! so mejo late na kami nakarating sa anaheim. pero i don't care! basta makapunta lang .. grabe! feeling bata ako as in ... kulang na lang magpabili ako ng lobo at cotton candy sa tuwa! hahaha! totoo pala yun .. someone told me kasi na when you step in the magical world of disney, as in instant yun ... feeling kid ka ulet ... kahit cna s'arnel nag-iba ang aura - pramis! he looks happy and free! o di ba!!! as in nabawasan ang stiffness ng lolo ko! kakaaliw!
pero eto ang glitch .. dahil 4th of july supeeeeeeeerrrrrrrrr daming tao! as in! ang pila sa rides took around 1 hour to 1 and a half hours = average pila time, tapos the ride is like 5 mins - 10 mins lang. pero i don't care ulet! ininda ko ang pila ng rides at kung anu-ano pa, pati ang pagkirot ng namamaga ko pa ring paa na may benda na ngayon na tunay at hindi na sya naka-bandanna (yey!) tiniis ko ... para kay mickey ... pero hindi ko man lang sya nalapitan =( ang layo kasi namin nung nag parade, pero okay na yun, masaya pa din ako .. belat ... hahaha!
we rode the amazing rivers chorva, kaaliw syang ride! may kwento eto at nagsusulputang hippopotamus na nambubuga ng tubig at ang daming PEPANT!!! woohoo =) (adik ...) tapos we went to Indiana Jones the next. It was the best ride I had doon. As in! saya sya... para kang kasali ni Indiana Jones sa kanyang adventures at feeling mo eh sasagasaan ka din ng higanteng boulder =) (sasagasaan na nga masaya pa din ako hahaha!)... tapos nun we rode the pirates of the caribbean ride - it was a relaxing ride, more of sights and stories lang .. pero nakakaaliw yung mga wax figures .. para kang nanood nung mga lumang palabas sa COD pag pasko pero mas high tech eto at nakasakay ka pa sa bangka .. with matching movements and song and dance numbers - - - worth the pila =).
next we got on the magic mountain ride - - - super saya as in super saya - take log jam and multiply it by 20!!! hahahahaha! yun lang ang masasabi ko .. pumasok ka nang tuyo, paglabas mo sabon na lang ang kulang, bagong ligo na ang dating mo hahahaha!
last ride we got on was the matterhorn - - its a fast ride with lots of twists and turns --- it was exhilarating (sosyal! - - salamat manong webster for this uber descriptive word hehehe). Pero I think the ride was bitin ... either that's really true o sadyang adik lang ako haha!
after nun, we were supposed to ride the submarine thingy kaya lang super haba ang pila at ang pila time daw is almost two hours - - ay pass na eto .. need na namin pumunta dun sa harap daw ng castle kasi malapit na ang fireworks chorva.
sa super dami ng tao, hindi mahulugang karayom ang paligid ng pagdadausan ng fireworks ... we waited ... and waited... and waited some more .. pero patigasan etoh, alang alisan!! hahaha! .. tapos biglang may nag-mega announce... "due to the weather, we may only be able to show the modified version of the show .. we hope you understand .. blah blah blah" sabi nung katabi ko... "what? they shouldn't have announced that ... now we know that we are getting the modified one .. as if we knew what the original one was ... " good point ... feeling mo tuloy naisahan ka hehehe.
so yun... start na sya, it was great ... and everyone was really into the fireworks thingy kaya lang parang halfway pa lang ... boom... they STOPPED THE SHOW ... shet ... kasi nga due to weather conditions .. pero in fairness, malakas nga talaga ang hangin and the disney people were just really being careful .. and realistic .. mahirap na .. pero we were still disappointed nonetheless.
so yun .. uwian na lang eto, di na kami nanood nung laser light show as originally planned, mukhang pagod na din kasi ang mga thunderbolts na kasama ko... kaw ba naman, buong araw ka na-hyper eh parang hindi naman sila ganun lagi hahahaha!
bago umalis, nakiusap ako na if i can go visit a disney store to get souvenirs. Umoo naman cla pero hindi na daw sila papasok, wait na lang daw nila ako ... ay pressure etoh!!! marathon ever ang ginawa ko sa loob ng store ... para akong bata na may dala-dalang basket at load ever ang ginawa .. i just rationalized the cost nung mejo halfway na hahahahaha ... kaya nagbawas ako bigla .. ala tuloy ako disney jacket =( pero hindi ko binitawan si mickey!!!! may mickey ako .. pinalitan ko nga lang ng mas maliit na size yung stuffed mickey ko kasi feeling ko mahaharass sya sa bag ko pag-uwi ko ng pinas hehehe =).
after nun we went out to get a ride home, pero sa kasamaang palad... alang taxi .. as in ala... di yata nila nabalitaan na naputol ang fireworks show kaya late na cla nagdatingan. ang ending .. lumabas na kami ng disney at naghanap ng makakainan. Well, across the park is a restaurant strip so mejo malapit lang naman sya. We ended up eating in Tony Roma's. As usual, the servings were super duper big, as in fiesta plate ... este fiesta bandehado size eto ! pramis! pero the food was good ... until that time feeling ko happy kid pa din ako .. na may dalang loot bag hahaha!
after nun, we went out to search for a taxi .. swerte naman, nakakuha kami agad kasi it was getting really cold, and i only had a shirt and a light jacket on. nanginginig na ang mga bilbil ko eh hahaha! ... pero sa kamalas-malasan (na naman) bago ako sumakay ng taxi .. cnara ni s'arnel ang pinto nya sa front seat at NAIPIT AKO!!!! ano na!!! walking danger magnet yata ang drama ko dito sa states .. pambihira!! pero luckily hindi sya masakit .. at hindi naman ako nabalian .. may magic ang pinto ng manong taxi at puro rubber ang tumama sa kin... God loves me today hahahaha!
so yun .. umuwi na kami at naramdaman ko lang ang pagod nang nakaupo na ako sa taxi. all in all i had a wonderful day! as in .. i really felt like a kid again .. thanks to the magic of disney =)