I had a good hearty breakfast today sapagkat may breakfast buffet ang hotel namin ngayon!!! Yehey!!! (lets do the dance of joy!!!!). Simple lang naman cya pero happy na ako dun, sa New Orleans nga ala eh, 1 cup of coffee lang sa umaga tsaka unlimited supply ng green apples ang libre haha! =)
I ate waffles that I made myself (proud etoh!) pero nakagawa lang ako ng waffle pagkatapos ko basahin ang procedure na nakapaskil dun sa waffle maker at para maging sigurado eh nagtanong pa ko kay S’Ariel kung tama nga ba ang pinaggagagawa ko sa buhay ko. Ang resulta – tostadong waffle hahaha! Pero masarap sya (justifying haha!) ... pramis!!!! cross my heart and hope to ... to... hhmmm.. pramis! hehehe... Try nyo 'to : waffle with maple syrup, butter at peanut butter!!! Yummy!!! =)
So pagkatapos kong mag-adik sa waffle sinundo na kami ni Joy and we went out and checked our stores in the vicinity (sosyal … vicinity…. Thank you Webster for this valuable word haha!). That’s what we pretty much did the whole day, checking store procedures, product testing sa stores and checking documents. We went to our US head office and did the rest of our work there until the afternoon.
Kakainis nga lang kasi strict sila sa US kung ilang tao lang ang pwede sumakay sa sasakyan. So, since sina S’Ariel ay babalik na sa Pinas earlier than us eh need na nilang mag-shop. To make the short story shorter, susunduin nila ang mga bossing ko na galing Arkansas tonight at 2 lang ang pwedeng isama ni Joy sa kotse (gumugulo ang short story ko teka… rewind)… ganito kasi yan, may outlet store na malapit sa airport kung saan susunduin ang mga bossing. So, ang sistema, Joy will drop them off sa Outlet Mall tapos dadaanan na lang sila pagbalik .. whew!!! Naikwneto ko din … hirap magsulat pag bangag … need to catch up on sleep na …
Ang ending? Naiwan ako haha! Sapagkat pag sumama pa ko sobra na sila sa car … unless isakay nila ako sa trunk hehehe =) (pero in feyrness, inisip ko yun hahaha! Malakas ang tawag sa kin ng mall ….). Nagpaiwan na lang ako sa hotel para tapusin ang mga nararapat bago pa dumating ang aking mader boss at baka matanong ako kung anong pinaggagagawa ko sa buhay ko habang wala sya =). So yun, martyr ever ang drama ko sa hotel habang hinihintay ko ang kanilang pagbabalik.
When they arrived, nagdinner kami with Joy’s family sa Taipan, a Chinese restaurant na super like ko yung beef wonton noodles ... sarap!!! (hhmmm… puro pagkain ang pampasaya ko today ah! Haha!) Joy’s kids were super-duper cute! Ang laki na nila Zoe and Zyjay =).
After dinner we went back sa hotel at nagpahinga na. Unahan na eto matulog!!! Haha! Baka matanong pa ko eh hehehe =)