Wednesday, July 02, 2008

Shipped to the US in Business Class (Day 7)

Day 7 (July 2, 2008) – New Orleans / LA

Last day in New Orleans today =) am sooooo looking forward to LA, mejo tahimik kasi sa New Orleans tapos ala pa masyado mapasyalan. So ganun na nga, we flew to LA while two of my bosses, went to Arkansas for a plant visit. Yey! I have one night na ako lang sa room haha! (sama ko ba?) Eh kasi naman, roommate ko yung boss ko since we got here, so parang mula paggising hanggang pagtulog sa gabi eh mejo conscious akesh … you know… hahaha! So anyways, isa yun sa nilu-look forward ko … ang matulog mag-isa =)

When we got to LA, Joy met us sa airport and drove us to our hotel. We stayed in Quality Inn and Suites in Maple. It’s a nice place, comfortable enough, and homey =). Pero bago kami makarating sa hotel, kumain muna kami, ang request namin?? Filipino food!!!! Haha! Naloka si Joy!!! Pero grabe, namiss namin ang kanin at ulam. Buti na lang sa LA dami Pinoy at maraming Pinoy establishments. So we ate in Pinoy Pinay and we really enjoyed the food! =) parang nakauwi ka ang dating, plus the fact na we were surrounded by Pinoys doon hehehe =)

So, ang unang purchase ko sa LA pagkatapos kumain??? Hulaan nyo … hhhmmm… MALI! Hindi sapatos, tama na muna ang kasapatusan .. hehehe… ang una kong binili ay BANDAGES at SALONPAS o di ba???? Sapagkat namamaga pa din ang aking napetot na ankle and its sporting a new look – mejo may violet and green tinge na sya – parang talong ang combination. Kaloka – pero in fairness, nakakalakad na ako, and that’s what matters. Ibig sabihin lang alang nabaling buto – okay na yun, napilipit lang hehehe =). So yun, my mom went ballistic as in all caps ang text when I told her about the petot incident and she called Ghina (ang pinsan kong PT) kaya eto mega text na need ko bumili ng bandage at dapat daw may support ang ankle ko until the swelling subsides, plus a host of other instructions … itaas ang paa sa gabi … I-hot compress chorva chorva ….

We went grocery shopping in a Filipino supermarket … natuwa ako dahil may C2 apple kaya bumili ako ng apat!! Adik kung adik etoh atsaka eto ha .. only in the US … Goldilocks Biscotti! Sosyal! Ala sa Pinas nyan, sa pinas meron lang mamon tostado.

The day passed by quickly and we retired early .. need rest at bukas eh trabaho etoh. It was really great to see Joy again =) at super naaliw ako sa car navigation system chorva nya hehehe … may nagsasalita na “turn left … if possible make a LEGAL u-turn” … aliw!!!!