Monday, April 05, 2010

from Overheard at UP


naaliw ako sobra sa entry na to as posted in Overheard at UP FB page:



may sumakay na 2 ale na medyo madaldal parehas.. tpos may ksakay din kming mga marine students yta..nagbayad ung mga marine students tapos cnabi nla na estudyante daw..tpos eto na nangyari...

UP STUDENTt: ma, bayad po isang estudyante..

ALE NA MADALDAL 1: tingnan mo sa UP, wla clang uniform. di tuloy mukhang estudyante.. tignan mo ung mga yun (mga marine students) pormal na pormal.. mukhang kagalanggalang..

ALE NA MADALDAL 2: oo nga, iho (knausap ung nagbayad na UP student) bakit ba wla kaung uniform? hindi tuloy kau mukhang estudyante.. mukha lng kaung mamamalengke..

UP STUDENT: (ngumiti) ah eh, WALA DAW PO KASI SA ITSURA PAGIGING ESTUDYANTE, NASA UTAK!(tawa ng malakas ung mga marine students, tinamaan yta.. syempre pati ako nkitawa na rin)

ALE NA MADALDAL 1: sabi sau wag kang magtatanong ng mga ganyan sa mga tga-UP, laging may bala yang mga yan eh!!

[by: Jiro Castellano]