Kanina nang papunta ako sa Katipunan may nakasakay ako sa jeep na magkaibigan. Super chika to the max ang dalawang eto na para bang alang pakialam sa mundo. Kahit na super sikip na nung jeep, cla yung tipong alang pakialamang nagkukuwentuhan ng crush nila, crush nung prendship nila, crush nung kapitbahay nila at kung sinu-sino pang crushes chorva ng mga kaibigan at buong neighborhood na yata nila. So anyways, nung mejo lumuwag na ang jeep kasi madaming bumaba sa Sta. Lucia Mall, kwento ever pa din ang dalawang bruha at deadma to the world. Nainis pa nga yata yung katabi ko kasi nakasabit na lang yung pwet nya eh ayaw pa din nilang umurong para man lang makaupo sya ng maayos kahit super luwag na dun sa kabilang side nila.
So non-stop pa din sa chika ang dalawa hanggang sa umandar na ulet ang jeep. Maya-maya eto na ang nangyaring eksena sa jeep:
Girl 1: Magbayad na nga tayo
GIrl 2: OO nga ate, bayad ka na
Girl 1: Bayad !!! (at ayaw pang iabot nung katabi nyang bruha ang bayad, at ayaw din magstretch ..... aba...aba... cge na nga iaabot ko na....)
Habang inaabot na ni Kuya Manong Driver (KMD) ang bayad...
Girl 1: Dalawa yan... Sta Lucia
Huwaaaattttt?!? nanlaki ang mata ko at nang lahat ng pasahero sa jeep, sabay napatingin kami lahat sa kanilang dalawa...Si KMD, natigilan at nagbagal sa pag-drive .. by this time nasa may Ligaya na kami, mejo malayo-layo na din eto sa Sta. Lucia...
KMD: ANO?? san kayo bababa??
Girl 1: (umiikot pa ang mata na parang bingi ang manong driver) sa STA LUCIA nga ...
Everybody (as in everybody sa jeep): LAMPAS NA....
Girl 2: Ate (or ati yata... mukang day-off nila eh), Di ka kase tumitingin sa daan!!!
Girl 1: Lampas na daw .. lampas na daw o! Hihihihihi! (Gagah...lampas na talaga..sinapian na yata si ate)
KMD: Bumaba na lang kayo dito, tapos tumawid kayo sa kabila tapos sakay kayo pabalik
Girl 1: (by this time na-realize na nya na lampas na nga talaga sila) Sasakay pa?!? Di ba pwedeng lakarin na lang?
Ako : HUWAAAT! (sliently eto .. sa loob-loob ko lang) .. "naku, malayo-layo na din yun" ( eto cnabi ko na to talaga...eh mukang naka-malling outfit pa naman sila, sayang naman ang porma pag naglakad)
KMD: Malayo-layo na din yun, nakikita mo yung malaking bldg na yun sa may kalayuan?? Yun yun.. pero kung kaya nyong maglakad nasa sa inyo yun (sabi ngisi ni KMD na parang nakakaloko, sabay iling..)
Girl 1 and 2: Baba na tayo...
Pagbaba ng 2 nawawalang day-off girls, nagdakdakan na ang buong jeep.
"Mukang first time nila pupunta sa Sta. Lucia"
"Eh bakit kasi daldal cla ng daldal eh di pala nila alam kung san sila bababa"
"Naku, sayang ang porma ni ate... baka mapilitang maglakad yun"
at kung anu-ano pang sapantaha ....
KMD (tingin sakin) : akala ko ineng sa Cubao pa sila, kasi parang ala naman clang pakialam sa dinadaanan natin at kanina pa sila daldalan nang daldalan eh
Ako (kibit balikat) : onga po eh, antagal na din po kasi nating nakatigil sa Sta. Lucia kanina di naman nila pinapansin (gatong mode ako).
Ano na nga kaya ang naisipang gawin nina ate?? hhmmm... muntik ko na nga sabihing "ate, sa SM Marikina na lang kaya kayo bumaba? malapit na din naman tayo dun"... kaya lang baka lalo silang mawala, kasalanan ko pa...