Yey! Kasali kami ulit sa session today!!!! Pero sa kamalas-malasan ever .. NAPETOT ako! As in!!! tapilok ever. I knew na it was bad the moment I landed. As in nag-twist ang ankle ko eh L. Pano nangyari etoh??? Ganito yan … pagbaba ng bus tinanong ako ni S’Ariel habang naglalakad … kumain ka na? Hindi pa po .. blag … kabog ever, feeling ko may hinilang rug sa kinatatayuan ko … nawala daw akong bigla sa harapan nila hehehehe. And right then and there , I knew .. I twisted it baaaaaaddddd. Can’t walk for a few minutes pero dapat I-keri eto pagka’t kasama ang mga boss. Smile ever hahaha! Pero inside I was screaming MEDIC! MEDIC! Call 911!! (emote ever) pambihirang mga sidewalk naman kasi yung andun, pang higante ang height! Di tulad ng mga sidewalk dito sa tin, pang 5 feet lang, sakto sa may paa ko ankle ang sidewalk, eh dun ang taas kaya … oh well, sige na nga, isa’t kalahating bulag din naman kasi ako eh hehehe … buti na lang sanay ako madapa.
ETOH PA!!!!!! Sabi ko na nga ba eh… di ba kinontra ang sessions na gusto ko puntahan kaya nasira ang mood ko yday… eto ang nangyari sa obvious reaction ko kahapon. I was told na I lacked enthusiasm kasi I wasn’t really showing any signs of it yesterday hahaha! Haller you should know who said this di ba??? My gas … cge, dapat ultimate pagpapanggap etoh. I can’t even react without being reacted to (huh? Nalito ako sa statement ko …)
The day went by in a blur. Sayang .. excited pa naman ako umikot ngayon at today lang ako may session, yesterday kasi wala =(. Anyways, I realized that it was like any other food show I attended, mas extensive nga lang ito and the exhibits were more technical and the people you get to talk to are also technical compared to the shows back home. The exhibits were good and the freebies were way better than the ones in manila. My bosses were having a field day! Getching bag don, ng ballpen dito, sample doon at sample dito hehehehe =). I for one was not that into the freebies thing though I did get a few canvas bags, iniisip ko kasi kung pano ko siya isasaksak sa gamit ko pag-alis namin eh hehehe … remember 50 lbs lang ang allowed pag domestic flights, eh nung pagpasok ko sa US I was already around 60 lbs or so. Plus may dala pa kong samples for Joy. We got books din for the office so yun pa lang at mga sandamakmak na samples at handouts eh bigat na agad … and malakas ang kutob ko na ako ang kakarga ng load na eto kasi ang ibang boss ko eh pupunta pa sa Arkansas after this. Susko eh 2nd day pa lang namin sa convention ngayon e hanggang Tuesday pa etoh! Ang kwarto namin eh umaapaw na sa handouts at kung anu-anong chorva. Good luck na lang talaga.
My ankle swelled to twice its size by lunchtime. After my session nung hapon I asked if I may be excused and if I could go back to the hotel. That was around 3 or 4 na yata. Buti naman pumayag. I was literally jumping on one leg just to get from one point to the next. Buti na lang M’Elvie was really kind enough to walk with me and sumama na din sya pabalik ng hotel. Good thing din na there were shuttle buses to and from the venue to our hotels. Kung hindi talaga, stretcher na etoh.
When I got back sa hotel, first aid ever – cold compress na ito.. deadma .. kinuha ko ang malamig na bote ng juice sa ref at nilagay ko sa namamagang paa ko. Nang matapos ang cold compress hot compress naman. Anything to make the swelling subside. Masakit na sya super. I really needed to stay off the ankle, baka lumala. I knew it well enough when I saw the angle that my ankle went through na both sides were affected .. tama nga ako.
Pagbalik ng boss ko sa room ,she said, patingin nga ng paa mo .. and when she saw it sabi nya .. my God!!! Namamaga pala talaga!!! Haller????!!!!!! Sabi ko na nga ba eh. Buti na lang talaga pinilit kong magmagaling at mag-ikot kanina dahil kung hindi feeling nya pala eh nagpapacute lang ako… leche.
Buti na lang rinna was there and she waited until I can somehow walk and we ate dinner na lang sa hotel kasi hindi na talaga ako makalakad. Kaloka naman kung kakandirit ako papunta sa ibang restaurant di ba???? Feeling kangaroo etoh.
Anyways, naloka ang hotel staff when they saw me limping at tinanong ako kung san ako natapilok … nung cnabi kong sa convention center, obvious na they all heaved a sigh of relief .. baka kasi magdemanda pa ako kung sa hotel nangyari yun eh hahaha! They were very kind actually, they said na in case I need anything, anything at all kahit yung tungkod na cnabi ni rinna na hingin ko, they will give it daw. Hahahaha!
So yun ang aking 5th day here in the US … hhhmmmm .. .ang pagsusuot pala ng violet ay may masamang pagbabadya … bago matapos ang araw kasi mejo nagiging violet na ang napetot kong paa.