Life introduces us to a number of people everyday
There are those we meet on the street
Those who we know by face, those we know through work or school.
And from these multitudes of beings, there are those who we regard as friends.
Who are these Friends?
They are those who chose to stay and be a part of our lives
Those who opened up their hearts and arms to us and
Those who we trust enough to share our lives with.
These are the people who know our core,
Who we really are, how we tick, feel, behave, breathe, act.
People who are willing to share time, resources, and their hearts
For what? For a piece of our own lives and our own hearts
A hug or a smile is all it takes to make a moment worthwhile
With friends, these are moments that strengthen ties
Friends are family, the siblings we never had
Or better yet, the siblings we CHOOSE to have.
Friendships like these extend beyond time and space, beyond life and the grave
For the heart never ceases to recognize true friendship
A friend will forever leave a mark in our lives and us in theirs
A connection forged that even time or distance cannot erase.
- for Kuya Paul, you are forever loved -
Wednesday, October 24, 2007
Saturday, March 17, 2007
mahirap ...
mahirap magkunwari kung hindi mo kaya. mahirap magsinungaling kung di mo kayang panindigan at suportahan ang mga kasinungalingang binitawan. mahirap tumingin ng diretso at nang walang pag-aalinlangan sa mga mata ng taong iyong nasaktan o balak mong saktan.
mahirap magmagaling kung sadyang hindi naman kayang abutin ng kapasidad ng utak mo. mahirap magpanggap na kaya mong gawin ang lahat kahit na kitang-kita naman ng naka-paligid sa iyo ang kahirapang iyong nadarama. mas mahirap aminin sa sarili mong hindi mo kaya at kailangan mo na ng tulong ng iba, kung ang gusto mong palabasin at ipahiwatig sa nakararami ay kaya mong gawin at pagtagumpayan ang lahat.
mahirap maging sunud-sunuran sa mga kautusang alam mo namang walang patutunguhan. mahirap ipainitindi sa mga taong nag-uutos na sayang lamang sa oras ang mga bagay-bagay na alam mong alam din naman nila, pero pinipilit pa ring ipatupad sapagkat nasagutan na nila.
mahirap mapahiya. alam nating lahat yan. pero hindi ba't parang mas mahirap mapahiya dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na nagpapanggap ka lang? o di kaya'y mapahiya dahil ipinilit ipatupad ang mga kautusang wala namang patutunguhan?
kung ang pagtingin ng iba ang mas may saysay mas madali sigurong magpanggap na lang, para mapangalagaan ang posisyong nakamtan. pero hindi ba't mas importante ang pagtingin at pagmamalasakit ng mga taong malapit sa iyo? kanya-kanyang opinyon yan .. ako'y nagtatanong lamang.
mahirap para sa aming nakakakita at nakakaramdam. sa aming mga sadyang naiipit sa mga sitwasyong inihahain lamang sa aming harapan. sana'y intindihin na ang layunin namin ay kaisa din naman sa layunin ninyo. hindi kami magpapakahirap kung sadyang gusto naming pumalpak, makasira't makagulo.
ang tanging hiling namin ay ang inyong pang-unawa. pang-unawang hindi namin kayang gawin ang lahat, na hindi kami perpekto. pang-unawang nahihirapan din kami at may mga damdaming nasasaktan. paminsan sana ay isipin nyo din na hindi kami nandito para pahirapan kayo, bagkus, kami ang mga paa't kamay na gumagawa ng mga proyektong ipinapatupad ninyo. madalas pa nga sa minsan, kami din ang utak sa likod ng lahat nang ito.
pero kahit isang pagpapasalamat sa magandang bagay na nagawa ipinagkakait pa. mas madalas na ipinagdidiinan ang mga kamaliang hindi namang maiwasang magawa. pasensya na, tao lang kami, na paminsan-minsan ay pumapalya.
ito'y isang paglalahad, ng damdaming pumipiglas. hindi lamang para sa akin ito, kung hindi sa mga tao na katulad ko ay nakaramdam na din ng ganito. ito lang ang masasabi ko, kailangan nating kayanin. kahit na paminsan, parang wala nang saysay ipakita at patunayang may kakayahan kang ayusin ang problema, gawin at ayusin mo pa din. subukan mong gawan ng paraan at pagtagumpayan ang gusot na nasa iyong harapan. gawin mo ito hindi para sa mga taong nabulag na ng kanilang sariling paniniwala, kungdi para sa sarili mo.
sapagkat sa huli, mas importanteng alam mo ang kakayahan mo. wag na wag mong bibitawan ang paniniwala mo sa sarili mo, yan ang isang bagay na hindi maaagaw ng iba.
Subscribe to:
Posts (Atom)