Araw-araw na ginawa ng Diyos, sumasakay ako sa pampublikong transportasyon. Jeep, FX, tricycle, paminsan bus na din. Kung may pera, taxi, kung nasa EDSA o Aurora Blvd ang daan ko, MRT at LRT. Kulang na lang eh sumakay na din ako ng kalesa, kariton, bisikleta para kumpleto ang aking public transportation experience.
Pero, in fairness, nakasakay na ako ng kalesa nung bata pa ako, nung may bahay pa kami sa Quiapo. Ngayon kasi, nasa bulubundukin na ako ng Cainta, at wala kaming kalesa doon at baka kasi matigok ang kawawang kabayo kapag sa highway siya dumaan at makipagsabayan sa mga humaharurot na jeep at truck. Pero come to think of it, para kang nasa Sta Ana racetrack araw-araw kung puro kalesa at kabayo ang sasakyan sa highway! exciting di ba?! andami na sigurong hinete sa Pilipinas kung ganon.
Ang jeep ang pinakasikat na mode of transportation nating mga pinoy. kahit saan may jeep. sa siyudad, sa probinsya, sa bundok na ang daan ay parang isaw sa dami ng liku-liko. Kaya ding tumawid ng mga jeep sa baha at sa mga mababaw na ilog na mabato-bato pa. kahit paakyat o pababa ang daan, kaya ng jeep yan! no wonder ang jeep ang tinatawag na king of the road. imaginin mo, kaya nyang gawin ang lahat ng yan!
Ang jeep din ang pinaka-makulay na sasakyan sa daan. Sa jeep mo makikita ang iba-ibang klase ng dekorasyon, both inside and outside. Sa loob ng jeep, may altar o kaya electric fan. Ang pangalan ng buong angkan ng may-ari ay nakasulat sa bubong. Paminsan, sa haba ng jeep, pati ninuno yata at apo sa tuhod, ay nakasulat na din. May disco lights na sumasabay sa indayog ng pagkalakas-lakas na tugtugin na galing sa stereo na nakalagay sa kahon. Sa mga patok na jeep, ang music ay yung sobrang lakas, na kulang na lang eh, mamasahe ang likod mo sa lakas ng vibrations chuva. Pwede ka ding mabingi, pero kung dead to the world ang iyong hearing o sanay ka sa pagkataas-taas na decibel eh okay lang eto. In fairness muli, kahit saan may jeep. Kaya kung naliligaw ka, ang jeep ang solusyon.
Sa FX naman, malamig (yun eh kung malamig ang buga ng aircon) at komportable ang upo (kung ang katabi mo hindi pang-dalawa o pang 1 and a half ang upo). Ngayon, andami na ding FX. Parang kabuteng nagsulputan ang mga ito mula nang naging in ang FX as public transport. Marami nang pila ang mga shuttle services na ito na kadalasanang tinatangkilik ng mga nag-oopisina sa makati at ortigas.
Last and not the least sa listahan ng sinasakyan ko araw-araw ay ang tricycle. The ever famous tricycle. kahit saang sulok din ng Pilipinas e may tricycle. Iba-iba nga lang ang anyo nya. Parang jeep na din ang mga ito kasi kaya na din nyang dumaan at makipagsabayan sa highway (kumapit ka nga lang at ipagdasal na wag truck ang maksabay nyo), umakyat-baba sa paikot-ikot na daan at sumulong sa baha. ang mga tricycle din ang madalas na sasakyan sa loob ng mga subdivision at mga residential areas. Marami ding mga pila ng tricycle na malapit sa mga eskwelahan, palengke, at paminsan sa mga mall (aba sosyal!). nasa gilid nga lang. hehehe =)
At dito natatapos ang aking artikulo ukol sa mga pampublikong transportasyon, na sabi ko nga e, sa araw-araw ng buhay ko eh, sinasakyan ko. Bakit ko nga ba naisip isulat ito? wala lang. I just felt na since part na sya ng buhay ko eh, why not di ba? (mag-explain ba)....